Iba’t ibang lahi, iba’t ibang kultura, iba’t ibang kaugalian
na may kanya-kanyang wikaing ginagamit ang Pilipinas.Unang una sa lahat bago
ako magsimula sa aking tatalakayin ay magbibigay muna ako ng konting
pagpaliwanag kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng wika. Wika, isa lamang
itong maikling salita na may sari-saring katuturan. Ayon kay Gleason na ang
wika ay tumutungkos sa masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
isinasaayos sa paraang arbitraryo.
Ang wika ay may tatlong sangay: WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL
AT WIKANG PANTURO. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit pahanggang
nayon ay nagkakaintindihan ang mga Pilipino sa mga bagay-bagay na pinaguusapan
araw-araw. Mahalaga ito para sa atin, mga mamamayan, dahil walang magaganap na
pagkakaisa kung wala tayong kinikilalang wika. Sa mga balitang ating naririnig
sa telebisyon, radio at iba pang mga instrumentong ginagamit sa pagtamo ng
balita ay naririnig nating gumagamit sila ng pormal na wikain upang makahatid
ng dalisay na balita sa mga manonood. Bilang isang mag-aaral ay dapat nating
pag-aralan ang ating sariling wika kaya nga meron tayong asignaturang Filipino.
Maraming mga dahilan kung bakit unti-unting nakakalimutan ng mga tao ang ating
wika at isa na rito ang modernisasyon. Sa pagdaan ng panahon ay ang wikang
Ingles na ang karaniwang ginagamit nga mga tao lalong lalo na sa mga nasa
paaralan at opisina. Tama nga ba ang patakarang ginagawa ng iilang mga paaralan
sa ating bansa na “SPEAK IN ENGLISH?” Nakakalito lamang dahil lagi nilang
tinuturo na mahalin ang sariling wika pero pagmumultahin nila ang mga
estudyanteng nagbebernakyular sa klase. Alam naman nating lahat na ang wikang
Ingles ay isang unibersal na lenggwahe ngunit hindi dapat natin ipagwalang
bahala ang kasalukuyang isyu ng mga paaralan sa ating bansa.
ANO ANG
WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO?
Ang wikang pambansa ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang
bansa sa kabuoan. Para sa inyong kaalaman ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay kinukumpuni ng maraming etnolinggwistikong
mga wika. Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat na
ginagamit bilang wika sa iba’t ibang etniko sa ating bansa. Malaya tayong
gumamit ng kahit anong wikang gustuhin nating matutunan ngunit bilang isang
Pilipino ay dapat unahin muna nating pag-aralan an gating nakagisnang wika, ang
Filipino. May mga "lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod
sa karaniwang balarila ng Tagalog" sa Davao at Cebu, na bumubuo sa tatlong
pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila.
Ang wikang Opisyal naman ay tumutukoy sa wika na ginagamit sa mga opisyal at
pormal na okasyon. Sa Pilipinas ang kinikilalang Wikang Opisyal natin ay ang Wikang
Tagalog. Halos lahat kasi ng mga Pilipino ay marunong gumamit ng wikang ito
kaya mas medaling magkakaintindihan ang mga etnikong merong iba’t ibang
lenggwahe kapag ito ang ginagamit na wika. Sa pakikipagtalastasan sa paaralan
tuwing Buwan ng Wika ay karaniwang ginagamit na wika ay ang Wikang Tagalog
dahil naiintindihan ito ng lahat. Para rin sa dagdag na kaalaman, ang Wikang
Tagalog ay ginawang opisyal na wika noong 1896 sa pamamagitan ng Saligang Batas
ng Biak-na-Bato. Ang Wikang Panturo naman ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa
paaralan o pormal na edukasyon. Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang
wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro
ng Wikang Pambansa.
Mahalagang pag-aralan ang tungkol sa ating wika dahil ito
ang sumisimbolo sa ating pagmamahal sa ating sariling bansa. Maraming
magagandang epekto ang pagkakaroon ng pagmamahal sa ating wika at isa na rito
ang pagkakaisa sa lahat ng pagkakataon. Ngunit sa aking nakikita sa henerasyong
ito ay unti-unti nang nakakalimutan ng mga kabataan ang pagpapahalaga sa mga
ito. Hindi na natin ginagamit ng maayos ang mga salita at minsan pa ay hindi
nating iginagalang ito. Siguro panahon na talaga na mamulat tayo sa nangyayari
sa ating paligid. Hindi na ito ang Pilipinas na ipinaglaban ng ating mga bayani
kundi isa na itong bansa na karamihan ng tao ay walang respeto sa ating
kasaysayan. Dapat magbago na tayo at mas paunlarin pa ang ating bansa sa
pagtangkilik sa sariling atin at pagiging mapagmalaki.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento