Sabado, Hulyo 2, 2016

WIKA by VENICE LEAN SENO


Iba’t ibang lahi, iba’t ibang kultura, iba’t ibang kaugalian na may kanya-kanyang wikaing ginagamit ang Pilipinas.Unang una sa lahat bago ako magsimula sa aking tatalakayin ay magbibigay muna ako ng konting pagpaliwanag kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng wika. Wika, isa lamang itong maikling salita na may sari-saring katuturan. Ayon kay Gleason na ang wika ay tumutungkos sa masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo.

Ang wika ay may tatlong sangay: WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit pahanggang nayon ay nagkakaintindihan ang mga Pilipino sa mga bagay-bagay na pinaguusapan araw-araw. Mahalaga ito para sa atin, mga mamamayan, dahil walang magaganap na pagkakaisa kung wala tayong kinikilalang wika. Sa mga balitang ating naririnig sa telebisyon, radio at iba pang mga instrumentong ginagamit sa pagtamo ng balita ay naririnig nating gumagamit sila ng pormal na wikain upang makahatid ng dalisay na balita sa mga manonood. Bilang isang mag-aaral ay dapat nating pag-aralan ang ating sariling wika kaya nga meron tayong asignaturang Filipino. Maraming mga dahilan kung bakit unti-unting nakakalimutan ng mga tao ang ating wika at isa na rito ang modernisasyon. Sa pagdaan ng panahon ay ang wikang Ingles na ang karaniwang ginagamit nga mga tao lalong lalo na sa mga nasa paaralan at opisina. Tama nga ba ang patakarang ginagawa ng iilang mga paaralan sa ating bansa na “SPEAK IN ENGLISH?” Nakakalito lamang dahil lagi nilang tinuturo na mahalin ang sariling wika pero pagmumultahin nila ang mga estudyanteng nagbebernakyular sa klase. Alam naman nating lahat na ang wikang Ingles ay isang unibersal na lenggwahe ngunit hindi dapat natin ipagwalang bahala ang kasalukuyang isyu ng mga paaralan sa ating bansa.

ANO ANG WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO?
Ang wikang pambansa ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang bansa sa kabuoan. Para sa inyong kaalaman ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay kinukumpuni ng maraming etnolinggwistikong mga wika. Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat na ginagamit bilang wika sa iba’t ibang etniko sa ating bansa. Malaya tayong gumamit ng kahit anong wikang gustuhin nating matutunan ngunit bilang isang Pilipino ay dapat unahin muna nating pag-aralan an gating nakagisnang wika, ang Filipino. May mga "lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog" sa Davao at Cebu, na bumubuo sa tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila. Ang wikang Opisyal naman ay tumutukoy sa wika na ginagamit sa mga opisyal at pormal na okasyon. Sa Pilipinas ang kinikilalang Wikang Opisyal natin ay ang Wikang Tagalog. Halos lahat kasi ng mga Pilipino ay marunong gumamit ng wikang ito kaya mas medaling magkakaintindihan ang mga etnikong merong iba’t ibang lenggwahe kapag ito ang ginagamit na wika. Sa pakikipagtalastasan sa paaralan tuwing Buwan ng Wika ay karaniwang ginagamit na wika ay ang Wikang Tagalog dahil naiintindihan ito ng lahat. Para rin sa dagdag na kaalaman, ang Wikang Tagalog ay ginawang opisyal na wika noong 1896 sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato. Ang Wikang Panturo naman ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa paaralan o pormal na edukasyon. Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa.


Mahalagang pag-aralan ang tungkol sa ating wika dahil ito ang sumisimbolo sa ating pagmamahal sa ating sariling bansa. Maraming magagandang epekto ang pagkakaroon ng pagmamahal sa ating wika at isa na rito ang pagkakaisa sa lahat ng pagkakataon. Ngunit sa aking nakikita sa henerasyong ito ay unti-unti nang nakakalimutan ng mga kabataan ang pagpapahalaga sa mga ito. Hindi na natin ginagamit ng maayos ang mga salita at minsan pa ay hindi nating iginagalang ito. Siguro panahon na talaga na mamulat tayo sa nangyayari sa ating paligid. Hindi na ito ang Pilipinas na ipinaglaban ng ating mga bayani kundi isa na itong bansa na karamihan ng tao ay walang respeto sa ating kasaysayan. Dapat magbago na tayo at mas paunlarin pa ang ating bansa sa pagtangkilik sa sariling atin at pagiging mapagmalaki.